• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Register anytime, anywhere, isasagawa ng COMELEC

ISASAGAWA ng Commission on Elections (Comelec) ‘ang pilot test na ‘Register Anytime, Anywhere’ program nito sa National Capital Region (NCR) kapag natuloy ang voter registration sa susunod na buwan.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, asahan ang pagsasagawa ng voter registration sa piling hospitals, call centers, transport terminals, airports at iba pang public places. Mayroon din aniyang registration kahit sa gabi.

Aniya, kapag mayroon nang mas mahabang panahon ng voter registration, maaaring gamitin ang programang ito sa buong bansa.

Kahit na ang nationwde voter registration period ay mula Agosto 1 hanggang 10, ang pilot test sa NCR ay isasagawa lamang hanggang Agosto 7.

Ang 10 araw na nationwide voter registration sa susunod na buwan ay inaprubahan ng Comelec en banc . Kaugnay ito sa barangay at sangguniang kabataan Elections na itinakda sa Disyembre 1. (Gene Adsuara)