• April 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO inilunsad online renewal ng driver’s license

MAS magiging madali na ang pagrerenew ng lisensya ng mga moto­rista sa bagong inilunsad na online driver’s license renewal system ng Land Transportation Office (LTO) kahapon.

Inilunsad nina DOTr Sec. Vince Dizon at DICT Sec. Henry Aguda ang bagong sistema na bahagi pa rin ng digital transformation sa mga proseso at transaksyon ng gobyerno.

Sa naturang online service na nakapaloob sa eGovPH na isang mobile app, matatagpuan ang iba’t ibang online servi­ces ng gobyerno kabilang ang online renewal ng driver’s license, online medical examination, online driver enhancement program exam at mode of payment.

Ayon naman kay Dizon, sa tulong ng bagong sistema, mababawasan na ang mahabang pila sa mga tanggapan ng ahensiya at mabibigyan ng mas maginhawang opsyon ang mga motorista para sa kanilang license renewal.

Makatutulong rin aniya ito sa mga OFW na makapagrenew kahit nasa ibang bansa at mababawasan na rin ang mga nabibiktima ng fixers.