Samantala, natanong si Joshua tungkol sa pakikipagtambal niya kay Anne for the first time…
“Nandoon ang kaba, nandoon ang excitement, siyempre Anne Curtis ‘yun, sino ba naman ako,” pahayag pa ng aktor.
“So, in-enjoy ko lang every moment na nasa set ako ni Direk Mae (Cruz-Alviar) at tuwing kaeksena ko si Ate Anne, ay si Anne, dahil magagalit siya pag in-Ate ko siya.
“Pati si Kuya Carlo (Aquino), lahat ng moments ko with other actors like Tita Rio (Locsin), ang saya!”
Kinunan daw ang intimate scenes noong comfortable na sa isa’t-isa sina Anne at Joshua, ayon kay Direk Mae.
Kuwento naman ni Joshua, meron daw siyang nakakahiyang experience…
“Nasa dagat kasi kami, kaya mga fish-fish ang kinakain namin, nag-lunch kami.
“Noong kinagabihan, may intimate scene kami ni Anne, ‘yun naghahabulan kami sa bed.
“Napa-dighay ako, tapos naamoy ni Anne, sabi niya, ‘dumighay ka ba?’ Sabi ko oo. Sabi niya, ‘ang baho!’
“Sobrang nakakahiya, pero atleast sobrang kumportable na namin sa isa’t-isa. Pero, oh my God, sobrang nakakahiya nun, pero share ko lang, pag marinig na ‘yun, matatawa rin siya at isi-share din niya rin ‘yun,” natatawang kuwento pa ni Joshua na isa sa pararangalan bilang Box Office Hero sa 8th EDDYS ng SPEEd na ang awards night ay sa July 20 sa Ceremonial Hall ng Marriot Grand Ballroom sa Pasay City.