• April 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Apela ng mambabatas matapos ibasura ng Makati City Prosecutor’s ang reklamo sa kanya  

UMAPELA si Bacolod City Rep. Alfredo Abelardo “Albee” Benitez sa publiko na isantabi na sana ang isyu laban sa kanya matapos na magdesisyon ang Makati City Prosecutor’s na ibasura ang reklamo laban dito.

Ang panawagan ay ginawa ng mambabatas matapos na i-dismiss ng Makati Prosecutor ang kasong isinampa laban sa kanya ng dating asawa.

Sa resolution ng Makati City Prosecutor’s Office na ipinalabas nitong Hunyo 23, 2025, ang reklamo ni Dominic “Nikki’ Lopez laban kay Benitez sa paglabag ng Section 5(e) (2) and (1) ng Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children Act of 2004; ay ipinag-utos na i-dismiss dahil sa kakulangan ng ebidensiya o lack of merit.

Matapos ang masusing rebyu, nakita ng prosekusyon na walang basehan ang ikinaso laban sa mambabatas na economic abuse o psychological violence.

Walang ebidensiyang naipakita na sumusuporta sa alegasyon at hindi rin nito napunan ang legal standards para sa criminal prosecution.

Sa kabuuan ng proseso, nanatili aniya ang Kongresista na manahimik bilang respeto na rin sa kanyang pamilya at kumpiyansa sa legal system.

“This resolution confirms what I have maintained from the beginning—that the accusations were baseless and malicious. I ask that this matter now be laid to rest, and that innocent individuals, especially my children, be given the privacy to move forward away from this controversy,” pahayag ni Benitez. (Vina de Guzman)