Panawagan mula sa mga lisensiyadong online gaming operator sa Pinas… Mas matalinong mga regulasyon para protektahan ang mga Pilipino
- Published on July 10, 2025
- by @peoplesbalita
NAGKAKAISA at naninindigan ang mga lisensyadong online gaming operator, ang Philippine Amusement and Gaming Corporation at ang mga makabago at responsableng mambabatas sa panawagang lumikha ng mas mahigpit na regulasyon–at hindi ganap na pagbabawal–upang masiguro ang kaligtasan ng mga Pilipinong manlalaro, at mapanatili ang pag-usbong ng ekonomiya ng bansa.
Habang pinagdedebatehan sa Kongreso ang iba’t ibang panukala na naglalayong ipagbawal ang online gaming o limitahan ang mga daluyang pinansyal kaugnay nito, nagbababala ang mga lehitimong operator na ang ganap na pagbabawal ay hindi magiging epektibo sa pagpigil sa mga Pilipino sa paglalaro; bagkus, itutulak pa lalo nito ang milyon-milyong Pilipino sa itim na merkado, tungo sa mga namamayagpag na ilegal na operator.
Hindi nabubura ng pagbabawal ang online gaming. Ang tanging binubura nito ay ang mga pananggalang na dapat sana ay magsisilbing proteksyon sa mga Pilipino. Malinaw ang katotohanan: magpapatuloy ang mga manlalaro na maglaro. Pipili lamang sila kung itutuloy nila ito sa mga lisensyado at ligtas na plataporma na sumusunod sa mga regulasyon, o sa itim na merkado–sa mga ilegal na site na walang pananagutan.
May umiiral nang mga pananggalang para sa kaligtasan.
Kasalukuyan nang pinapatupad ng lisensyadong sektor ng online gaming ang ilan sa mga pinakamahigpit na proteksyon sa Asya:
– Mahigpit na Know-Your-Customer at multi-factor authentication
– Masinsing pagsusuri at pagsiguro na wala ang kahit na sino mang manlalaro sa National Database of Restricted Persons ng PAGCOR
– Pagtiyak na lahat ng manlalaro ay edad 21 pataasR
– Mga kasangkapan upang tanggalin ang sarili (self-exclusion tools), at pagmomonitor ng kilos na maaaring mapanganib o at risk
– Sumunod sa mga patakaran ng mga patalastas o advertisement at siguruhing walang mapanlinlang na mga pahayag
– Pag-ambag sa pambansang kita, paglikha ng mga trabaho, at pag-unlad ng teknolohiya
Bawat pisong ginugol sa lisensyadong plataporma ay sumusuporta sa mga pampublikong serbisyo – mga paaralan, ospital, at kalsada – at tumutulong na mapanatiling ligtas ang bawat pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng regulasyon. Sa kabilang banda, ang bawat pisong ginugol sa ilegal na site ay perang ninakaw mula sa komunidad at dumidiretso sa mga ilegal na operator na walang pakialam sa ating mga batas.