• April 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapalawak ng VAT exemptions sa essential medicines, welcome kay Tiangco

MALUGOD na tinanggap ni Navotas Representative Toby Tiangco ang pagpapalawak ng VAT exemptions sa essential medicines, na nagpapatunay lang aniya na ang mga patakaran sa buwis sa ilalim ng administrasyong Marcos ay naghahatid ng tunay at makabuluhang benepisyo sa mamamayang Pilipino.

Ito’y matapos ipahayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na 19 pang gamot ang nadagdag sa listahan ng mga gamot na exempted sa value-added tax (VAT), kabilang ang para sa cancer, diabetes, at iba pang kritikal na sakit.

“Lagi pong sinasabi ng ating Pangulo na walang maiiwan sa Bagong Pilipinas, and this VAT exemption is proof that the government is taking steps to ensure that all Filipinos have equal access to life-saving medication,” ani Tiangco.

Tinukoy ng solon kung paano ang batas na CREATE MORE na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay nag-utos sa Food and Drug Administration (FDA) na tukuyin at ipadala ang VAT-exempt na mga produktong pangkalusugan sa iba pang ahensya tulad ng BIR, Bureau of Customs (BOC), at Department of Trade and Industry (DTI).

“Tax policies should always be designed with the people’s well-being at the center. What we’re seeing today are the results of tax reforms that truly prioritize the needs of ordinary Filipinos,” dagdag niya.

Hinimok din ni Tiangco ang publiko na ang pharmaceutical companies at drugstore na hindi sumunod ay iulat sa BIR sa pamamagitan ng contact_us@bir.gov.ph(Richard Mesa)