• April 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tanza Multi-purpose Building, binuksan na

OPISYAL nang binuksan ang bagong Tanza Multi-purpose Building sa NavotaAs Homes II, Brgy. Tanza 2, kasunod ng pagbabasbas at pagpapasinaya nito sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco, bilang bahagi ng pagdriwang ng ika-18 anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas. Ang bagong tatlong-palapag na pasilidad ay may office spaces para sa seminars at meetings sa ikalawang palapag, at court sa ikatlong palapag para sa sports at iba pang events. May sapat ding parking space sa unang palapag. (Richard Mesa)