3 sasakyan, pinagbabaril at sinilaban sa Maynila
- Published on July 8, 2025
- by @peoplesbalita
PINAGBABARIL at sinilaban ang tatlong sasakyan habang nakaparada sa Barrio Obrero partikular sa bahagi ng G.Santiago at R.Papa Street sa Tondo, Maynila.
Sa kuha ng CCTV ng Brgy.189 bandang alas- 4:20 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa kasagsagan ng buhos ng ulan .
Base sa kuha ng CCTV footage, na ang mga suspek ay sakay ng dalawang motorsiklo ang may gawa ng krimen.
Isa sa kanila ay binasag pa ang salamin bago sinilaban ang itim na kotse na may plate number na NIM-2624.
Patuloy na inimbestigahan ng MPD Station-7 ang insidente habang inaalam na ang motibo sa krimen maging ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
(Gene Adsuara)