PAGCOR, bukas sa paghihigpit ng mga regulasyon vs illegal online gambling
- Published on July 8, 2025
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na bukas sila sa panukalang higpitan pa ang mga regulasyon laban sa illegal online gambling.
Ang pahayag ng PAGCOR ay kasunod ng inihaing panukalang batas ni Senator Sherwin Gatchalian na nagsusulong sa pagbabawal ng paggamit ng e-wallets para sa online gambling.
Sinabi ng Pagcor na discretion ng mga mambabatas na magpanukala ng mga batas na magbebenepisyo sa publiko.
Tiniyak naman ng Pagcor sa publiko na kaagapay ang mga ahensiya at organisasyon, mananatili silang fully committed sa pagpapaigting pa ng kanilang mga ginagawang hakbang para malabanan ang paglaganap ng illegal online gaming activities.
Base sa Malacañang, nasa 7,000 na hindi awtorisadong online gaming sites na natukoy ng Pagcor ang napatanggal na ng Department of Information and Communications Technology (DICT).