• April 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binata na wanted sa rape by sexual assault sa Malabon, swak sa selda

https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/05/KULONG-REMATE-2.jpgHIMAS-REHAS ang 24-anyos na kelot na akusado sa kasong rape by sexual assault sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Malabon City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Arnold Abad, kinilala ni Malabon Police OIC chief P/Col. Allan Umipig ang akusado na si alyas “Ching”, ng Brgy. Potrero ng lungsod.
Ayon kay Col. Umipig, iniutos niya sa kanyang mga tauhan ang pagtugis sa akusado na nakatala bilang No. 7 Top Most Wanted Person sa NPD at No. 9 Top MWP sa Malabon police.
Dakong ala-1:35 ng hapon nang masukol ng mga operatiba ng Malabon Police Warrant and Subpoena Section (WSS) ang akusado malapit sa kanyang tinitirhang bahay sa Brgy. Potrero.
Hindi naman umano pumalag si ‘Ching’ nang bitbitin siya ng mga operatiba ng WSS sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City Regional Trial Court Branch 291 noong June 18, 2025, para sa kasong Rape by Sexual Assault.
May inirekomenda namang piyansa ang hukuman na halagang P120,000 para sa pansamantalang paglaya ng akusado na ipiniit muna sa Malabon Police Custodial Facility Unit habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)