Unified ID system para sa PWDs, kasado na- DSWD
- Published on July 6, 2025
- by @peoplesbalita
KASADO na ang unified ID system para sa persons with disabilities (Pwds) Nationwide .Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Information and Communications Technology and Chief Information Officer (CIO) Johannes Paulus Acuña, ipatutupad ang bagong sistema sa Oktubre sa piling local government units upang malabanan ang pagkalat ng pekeng ID para sa mga PWD.
“May mga ginagawa na po kaming internal technical pilots tapos pinapakita na po namin sa mga katuwang po natin sa NCDA. So internal testing development na po yung ginagawa namin this July, August and September para po mapaghandaaan po namin yung actual roll out sa mga [pilot] LGUs starting po October of this year,” pahayag ni Acuña na sinabing nasa internal pilot testing stage na ang bagong sistema.
Ayon kay Acuña, ang unified ID system para sa PWD ay inisyatibo ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na base naman sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing inklusibo ang mga programa at polisiya para sa mga bulnerableng sector.