Ayon sa gustong palabasin ng content creator; DINGDONG at MARIAN, sweet lang ‘pag may camera pero halos ‘di na nag-uusap
- Published on July 6, 2025
- by @peoplesbalita
HANGGANG ngayon, marami pa rin ang bigla na lang naglabasan sa social media na mga negatibong ibinabato sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.May isang obviously, hindi legit na page, lalo na at kahit sino na lang, tawag na sa sarili ay content creator kahit pa fake o nakaw ang content nila.
So ‘eto na nga, ang content niya, ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera raw ay sweet lang pala kapag nasa labas, may camera o may ibang taong nakakakita. Pero sa loob daw ng tahanan nila, halos hindi nag-uusap ang mga ito or hindi sila sweet.
Ang galing, as if, nakapasok na siya at nakasama ang DongYan sa loob ng bahay nila.
Sa comment section, yung mga ewan kung ano ang pinaglalaban o g na g o baka naman mga trolls lang na pinakalat ng kung sino, umagree sa post.
Pero marami siyempre ang halos same comment na, “nakapasok ka na sa bahay nila?”
At dito namin napansin si Pokwang na kasama ngayon ni Marian sa programang “Stars on the Floor” na hindi napigilan at napa-comment. ‘Di na rin siya nagpatumpik-tumpik na murahin ang mga diumano’y “content creator.”
Sey ni Pokwang, “Susme! Lahat na lang ng isyu gagawin may pagkakitaan lang tang ina nyan!”
True naman din talaga!
***
HINDI namin napanood, pero binati raw ni Miles Ocampo si Maine Mendoza. Diumano’y binati raw ni Miles si Maine habang nasa Sugod Bahay ito ng Happy 10th Anniversary si Maine. ‘Di nga lang namin knows kung nag-reply si Maine dito.
Ang daming tanong kung ano ang nangyari, kung bakit halatang hindi na sila okay. Naka-unfollow pa rin si Maine kay Miles. Although ang huli, naka-follow pa rin.
Kung tama ang nakarating sa amin, hindi talaga sila okay. At isa sa kanila ang dahilan. Kung tama ang nalaman namin, valid ang reason ng isa sa kanil n magalit.
Kung magiging okay pa sila? May chance dahil nasa isang show sila at isang management.
Pero, hindi na rin kami magtataka kung hindi na at all…
(ROSE GARCIA)