• April 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang tunay na banta sa Speakership

LUMILITAW na naresolba na ang usapin sa pagpili ng Speaker ngayong ika-20 Kongreso sa pamamagitan ng suporta ng 287 mambabatas at kawalan ng seryosong hamon laban kay Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez para sa naturang posisyon.

“The question of Speakership has already been resolved many, many weeks ago,” ayon kay reelected Tingog Party-list Rep. Jude Acidre.

Ayon sa mambabatas, sa total na 287 mambabatas ng bagong Kongreso, nasa 283 miyembro ang lumagda ng suporta para sa reelection bilang Speaker ni Romualdez.

“And I don’t think this is any more a question that needs to be resolved,” pahayag pa nito.

Nakatakda ang pormal na paghalal ng mga mambabatas para sa mga bagong lider ng Kamara ng ika-20 Kongreso sa pagbubukas ng sesyon sa Hulyo 28.

Si Romualdez ay nagsilbing Speaker ng kamara nitong katataposna ika-19 Congress.

Nang tanungin kung may mga “naghahamon” o challenger sa House leadership post, sinabi ni Acidre na hindi na iniisip pa ang isyu dahil sa laki ng bilang ng mga mambabatas na nagpahayag na ng suporta kay Romualdez. (Vina de Guzman)