• April 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinangalanan ni Yorme Isko… Dating mga opisyal ng lungsod inginuso kaya nabaon sa utang ang Maynila 

INGINUSO ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang ilang mga matataas na opisyal ng dating administrasyon na dahilan ng pagkakabaon sa utang ng Maynila matapos mag-cash advance at mag-transfer ng malalaking pondo.

Kabilang rito sina Department of Public Services (DPS) OIC Jonathan Garzo na nag-cash advance ng kabuuang P132 milyon sa loob lamang ng isang araw noong May 9 o tatlong araw bago ang election 2025.

Kasama rin sa tinukoy ni Domagoso ang Assistant City Administrator na si Joy Dawis-Asuncion na nag-transfer ng pondo mula sa General fund sa Trust fund ng P683 milyon mula January 2025 hanggang March 2025 o sa loob lamang ng tatlong buwan.

Nag-cashadvance naman ng kabuuang P641, 866,300 milyon si Fernan B. Bermejo, dating director ng Public Employment Service Office (PESO) noong February 2025 hanggang April 2025.

Si Atty. Marlon Lacson na dating Secretary to the Mayor Lacuna ay nakapagpalabas naman na may kabuuang cash advance na P1,161 bilyon noong September 2024 hanggang February 2025 o sa loob ng anim na buwan. (Gene Adsuara)