Ikalawang Kabanata: Panata sa Bayan, Paninindigan sa Bayan
- Published on July 2, 2025
- by @peoplesbalita
IMUS, Cavite – Panunumpa at pag-upo sa tungkulin ni Mayor Alex ‘AA’ Advincula, araw ng Lunes, Hunyo 30, 2025. gayundin ang panunumpa ni Congressman, AJ Advincula, bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Cavite.
Nagsimula ang makasaysayang araw na ito sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Banal na Misa na pinamunuan ni Most Rev. Reynaldo G. Evangelista, D.D., Obispo ng Diyoses ng Imus. Kasunod ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Lungsod ng Imus at ang selebrasyon ng ika- 13th Anniversary ng pagiging Lungsod ng Imus.
” Ito po ang simula ng ikalawang kabanata ng responsableng pamumuno at tapat na paglilingkod para sa Lungsod ng Imus,” pambungad ni Mayor Alex.
Sama-samang ginunita at sinuportahan ng mga kababayan sa Cavite ang makasaysayang araw na ito at ipinagdiwang ang patuloy na pag-unlad bilang progresibong Imus.
(Text & Photos by Boy Morales Sr.)