• April 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Justice Secretary, interesado sa Ombudsman

INTERESADO si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla para posisyon sa Ombudsman.

Kasabay ng kanyang kumpirmasyon, sinabi ng Kalihim na magsusumite pa lamang siya ng aplikasyon sa darating o bago ang araw ng Biyernes  sa  Judicial Bar and Council (JBC).

“I think that I have a lot to offer there,” anang Justice Secretary.

Sa kabila ito ng reklamong kinakaharap sa Ombudsman na inihain ni Senator Imee Marcos kamakailan laban sa kanya at ilan pang matataas na opisyal.

Binigyang-diin ng kalihim na may kakayahang ang JBC na ma-evaluate ito ng maayos.

“Okay lang iyon, the JBC can always evaluate on it properly,” ani SOJ .

Dahil rito, kanyang inihayag ang kanyang mariing paniniwala na walang ‘conflict’ sa kanyang pagsusumite ng aplikasyon sa JBS para sa posisyon sa Ombudsman.

Sinabi rin ni Remulla na ipinaalam na niya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tungkol sa kanyang aplikasyon. “I told mutual contacts that I was very interested.” (Gene Adsuara)