• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 2:57 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NHA AT DA, inilunsad ang unang Kadiwa ng Pangulo sa Valenzuela

PORMAL nang inilunsad ng National Housing Authority (NHA) at ng Department of Agriculture (DA) ang kauna-unahang KADIWA ng Pangulo (KNP) sa NHA Livelihood Training Facility, Northville 1, Barangay Bignay, Valenzuela City.

Sa direktiba ni General Manager Joeben A. Tai, pinangunahan ni Assistant General Manager Alvin S. Feliciano ang ribbon-cutting ceremony, kasama sina DA Assistant Secretary for Agribusiness, Marketing, and Consumer Affairs, at KADIWA Program Head Atty. Genevieve E. Velicaria-Gueverra, na kumatawan kay Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., at si NHA NCR-North Sector Regional Manager Engr. Jovita G. Panopio.

Layunin ng KNP na itaguyod ang food security sa bansa sa pamamagitan ng paghahatid ng abot-kaya at sariwang produktong agrikultural sa mga mamimiling nangangailangan, gayundin ang pagsuporta sa mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng pagpapatatag ng kanilang kabuhayan.

Ipinahayag ni AGM Feliciano ang suporta ng NHA, sa ilalim ng pamumuno ni GM Tai, sa mga programa ng kasalukuyang administrasyon at ang layunin nitong makamit ang food accessibility, lalo na para sa masa para maihatid ang bisyon ng Masaganang Bagong Pilipinas.

“Ang pagbibigay ng mga tahanan ay mahalaga, ngunit ang tunay na pag-unlad ng komunidad ay higit pa sa tirahan. Dapat ding maisama ang sustainable food systems, mga livelihood opportunity, maging ang aspeto ng economic stability,” pahayag ni AGM Feliciano sa kanyang mensahe.

Halos 1000 indibidwal naman ang nagkaroon ng pagkakataong makabili ng iba’t ibang agri-commodities tulad ng bigas sa halagang Php 20 kada kilo para sa mga vulnerable sectors na PWD, solo parents, at senior citizens, at Php 35 pataas para sa iba pang bigas; locally produced highland and lowland crops, mga spices, fresh produce, karne at iba pang processed products, maging mga delicacies at desserts na ibinenta sa patas na halaga.

Kung matatandaan ay isang Memorandum of Understanding (MOU) ang nilagdaan sa pagitan ng NHA at DA noong Marso 20, 2025. Layon ng MOU na patatagin ang pagtutulungan ng dalawang ahensya at magtatag ng iba’t ibang KNP sa lahat ng resettlement projects ng NHA.

Ang pagtatatag ng KADIWA ni Pangulo sa mga resettlement sites ay isa sa mga pangunahing programa ng NHA, kaugnay ng ika-50 charter anniversary nito ngayong taon. Sa positibong pagtanggap ng mga benepisyaryo, target ng parehong ahensiya na magtayo pa ng mas maraming KNP sa iba pang pabahay sa mga susunod na araw. (PAUL JOHN REYES)