• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:19 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ruiz, mananatili bilang PCO acting secretary

SINABIĀ ng Malakanyang na mananatili sa kanyang posisyon bilang acting Secretary ng Presidential Communications Office (PCO) ang veteran journalist na si Jay Ruiz.

Ito ang tugon ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang matapos na may kumalat sa social media na balitang mapapalitan sa kanyang puwesto si Ruiz.

”Wala pa pong nakakarating sa akin. Secretary Jay remains to be the acting secretary of PCO. So, kung may mga ugong-ugong, wala pong nakakarating sa amin,” ang sinabi ni Castro.

Matatandaang, kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin na muling itinalaga ni Pangulong Marcos Jr si Jay Ruiz bilang acting Secretary ng Presidential Communications Office (PCO).

Ibinaba ng Pangulo ang reappointment paper ni Ruiz matapos syang mabypass ng Commission on Appointment, kasunod ng sine die adjournment.

Nauna nang sinabi ni Ruiz na inatasan sya ng Pangulo na ipagpatuloy lang ang kanyang trabaho sa PCO.

Si Jay Ruiz ang pang apat na PCO Chief sa ilalim ng Marcos administration. (Daris Jose)