• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:27 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ginang, kasawat kulong sa paggamit ng pangalan ng abogado sa pagnotaryo

SA kulungan ang bagsak ng isang ginang at kanyang kasabwat sa pagno-notaryo ng mga dokumento, gamit ang pangalan ng isang abogado ng walang pahintulot nang matiklo sa entrapment operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Dakong ala-1:30 ng hapon nang ikasa ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Arnold Abad ang entrapment operation sa West Grace Park, Brgy. 71, na nagresulta sa pagkakaaresto  sa mga suspek na sina alyas “Montemayor” 54, at alyas “Cañete.”, 35.

Batay sa reklamo ng 81-anyos na bihasang abogadong biktima na may Notary Public sa Quezon City, ginagamit umano ng mga suspek ang kanyang pangalan, dry seal, at lagda ng wala siyang pahintulot para mag-notaryo ng mga dokumento sa Caloocan City kapalit ng perang ibabayad ng kanilang mga kliyente.

Nang magsagawa ng beripikasyon ang mga operatiba ng DSOU-NPD, napatunayang totoo ang bintang ng abogado na dahilan ng pagkakadakip sa mga suspek at nakuha sa kanila ang P500 marked money na bayad sa pagnotaryo ng pulis na nagpanggap na kliyente.

Ani NPD-PIO chief P/Capt. Marcelina Pino, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article 177 (Usurpation of Authority), Article 315 (Estafa through Other Deceit), at Article 172 (Falsification by Private Individuals). (Richard Mesa)