• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:56 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panukalang legislated wage hike ihahain agad ni Cavite Rep. Jolo Revilla sa pagbubukas ng ika-20 Kongreso

INIHAYAG ni Cavite Rep. Jolo Revilla na agad niyang ihahain ang panukalang legislated wage hike sa pagbubukas ng ika-20 kongreso makaraang mabigo ang 19th Congress na maipasa ang panukala bago ito mag-adjourn.

“Our workers have waited long enough. They’ve sacrificed, endured, and carried our economy through crises. It’s time government meets them halfway—with action, not just empty praise. Let’s re-file the bill and get it done,” anang mambabatas.

Isa si Revilla sa mga original authors ng House Bill No. 7871 nitong 19th Congress para sa ₱150 across-the-board increase in daily wages para sa lahat ng private sector workers sa buong bansa. Isinama ito sa panukalang ₱200 wage hike na siyang inaprubahan ng Kamara nitong March 2025 ngunit hindi naipasa ang bago ang sine die adjournment.

Sinabi ni Remulla na nanatiling mababa ang minimum wage. Sa ilang rehiyon sa bansa, sa kabila ng wage board adjustments ay hindi sapat ang sahod ng mga manggagawa para suportahan ang kanilang pamilya.

Nagbabala ang mambabatas na ang inflation, dagdag pa ang global conflicts at domestic supply issues, ang patuloy na nagpapababa sa halaga ng sahod kung maraming pamilyang pinoy ang nahihirapan.

“Wage reform is not a handout. It’s an investment in our workforce. If we want real inclusive growth, we need to put more money in the hands of those who keep the economy moving—our workers,” pahayag pa nito.

Nanawagan naman si Revilla sa dalawang kapulungan ng Kongreso na magkaisa at gawing prayoridad ang pagpasa ng panukala upang hindi na maulit ito.

(Vina de Guzman)