• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:35 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit P.3M droga, nasamsam sa HVI drug suspect sa Malabon

KALABOSO ang isang bagong identified drug pusher na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu nang matiklo sa buy bust operation sa Malabon City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Arnold Abad, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si alyas “Jesril”, 36, construction worker ng Brgy. Tañong.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng suspek kaya ikinasa nila ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA.

Nang tanggapain umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba ng SDEU dakong alas-11:20 ng gabi sa M. Aquino St., Brgy. Nuigan.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 54 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P367,200 at buy bust money.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)