• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 3:12 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHAIRMAN NG BOARD SPECIAL INQUIRY NG BI, TINANGGAL

INALIS na sa pwesto si Atty. Gilbert Repizo, ang chairman ng Board Special Inquiry ng Bureau of Immigration (BI) dahil umano sa dami ng mga reklamo sa pamumuno nito.

Nauna nang nabanggit ang pangalan ni Repizo sa isyu ng umano’y pamimilit sa Bids and Awards Committee na aprubahan ang P3-bilyong e-gates project sa mga paliparan.

Sa kabila ng kautusan, sinabi ni Repizo sa kanyang social media post na magpapatuloy siya sa pagre-report sa BSI.

Sumulat din ito kay Justice Secretary Crispin Remulla kung saan ininvoke naman nito ang kaparehong civil service resolution na 1800692 o yung 2017 omnibus rules of appointment.

Sa liham ni Repizo kay Remulla sinabi nya na hindi niya pwedeng sundin ang kautusan dahil iaakyat nya ang usapin sa Civil Service Commission.

Binigyan din umano nya ng kopya ng nasabing liham si Viado.

Samantala, kinumpirma ni BI Spokesperson Dana Sandoval na natanggap na nila ang Department Order 435 mula DOJ at agad itong ipinatupad.

Nakasaad sa nasabing Department Order na papalitan ni Atty Ruben Casibang si Repizo bilang head ng BSI.

Nakasaad pa umano rito na ipinalilipat sa DOJ si Repizo. (Gene Adsuara)