• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 6:09 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Israel-Iran crisis, walang epekto sa OFW remittances – Malakanyang

WALANG epekto sa remittances ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Pilipinas ang nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng Israel at Iran.

Tinukoy ang naging pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro na ang epekto ng labanan sa overseas remittances ay “limited for now.”

Ani Castro, ang perang naipadala na ng mga OFWs sa kanilang mahal sa buhay mula sa Israel at Iran ay nagkakahalaga ng USD106.4 million noong 2024, .03% lamang ng kabuuang remittances.

“However, an escalation that could include the rest of the Middle East will have a substantial effect on overall remittances,” ayon kay Castro.

Sinasabing makikita sa data mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na umabot na sa USD2.66 billion ang OFW remittances nito lamang April 2025, tumaas ng 4% mula sa USD2.56 billion noong April 2024.

Tanggap naman ni Castro na ang tensiyon sa Middle East ay maaaring maging dahilan ng pagtaas ng ‘crude oil prices at household consumption.’

Winika pa ni Castro na ang labanan ay maaaring makaapekto sa inaasam na paglago ng ekonomiya.

“Kadalasan po kapag tumataas ang presyo ng krudo, tumataas din po ang bilihin sa merkado,” ang sinabi ni Castro.