DOTr minungkahi ang Espana-Quezon Avenue link sa EDSA busway network
- Published on June 20, 2025
- by @peoplesbalita
MAY plano ang Department of Transportation (DOTr) na magtayo ng busway system na magdudugtong sa Espana at Quezon Avenue sa 2026 bilang isa sa pagsisikap na paraan upang magkaroon ng magandang urban mobility sa Metro Manila.
“The most viable and most needed one is Espana to Quezon Avenue. We are
doing the feasibility study and hopefully next year, it’s not difficult to build. That’s the long-term solution to the busway,” wika ni DOTr Secretary Vince Dizon.
Ayon sa kanya ang bagong corridor ay makakatulong sa ginagawang upgrading ng EDSA Busway system na isang proyekto bilang flagship mass transit na nilungsad noong 2020 upang mabawasan ang pagsisikip sa mga pangunahing lansangan sa kalakhan
Maynila.
Habang ang ginagawang rehabilatasyon naman ng EDSA Busway ay patuloy pa
rin sa loob ng buong taon.
Nakikipag-usap naman ang DOTr sa International Finance Corporation (IFC) upang magkaroon ng privatization ang operasyon at pag-aayos ng nasabing busway upang magkaroon ng mas epektibong sistema ito.
Ang pamahalaan ay nagkaroon din ng partnership sa mall operator ng SM Prime Holdings Inc. ng pamilyang Sy upang gumawa ng commuter concourses along EDSA.
Inaasahan na matatapos ang bagong pasilidad sa SM Megamall bago matapos ang 2025 matapos ang pagbubukas ng bagong concourse sa SM North EDSA ngayon taon.
Naglalayon ang mga concourses na magbigay ng direct access sa EDSA busway sa pamamagitan ng pagkakaron ng mga ramps at elevators.
Ang EDSA Busway ay isang proyekto na ginawa kasama ang Department of
Public Works and Highways (DPWH) at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na naglalayon na magkaron ng ligtas na paglalakbay at upang mas gumanda ang transport reliability sa Metro Manila.
Sa kabilang dako naman ay sinabi rin ng DOTr na puwedeng magawa ang rehabilitasyon ng EDSA sa loob lamang ng anim (6) na buwan sa pamamagitan ng gagamiting modern technology.
Ayon kay Dizon ay may nakita siyang mga mungkahi galing sa mga iba’t ibang
grupo na ayon sa kanya ay kakayanin na gawin ito sa loob ng 6 na buwan. Ang kailangan lang ay gamitan ng makabagong technology at hindi na ang makalumang paraan ang gagamitin.
“This is the time that we could modernize our construction methodology,” saad ni
Dizon.
Sana ay sisimulan ang rehabilitasyon ngayon buwan subalit ang planong odd-even scheme na gagawin sa EDSA na lilimitahan sana ang mga motorista sa pagdaan at paggamit ng EDSA ay nagkaron ng maraming pagtuligsa mula sa publiko. Sinabi rin ng mga tao na walang mga alternatibong daraanan ang binigay ng pamahalaan sa mga
motorista na gumagamit na ng matagal sa EDSA. LASACMAR