• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 6:21 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kanselasyon ng Duterte Youth, panahon na

MALUWAG na tinanggap ng Gabriela Women’s Party ang desisyon ng 2nd division ng Commission on Elections (Comelec) na kanselahin ang registration ng Duterte Youth Partylist.

Ayon kay Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, wala umanong karapatan ang Duterte Youth Partylist na maupo sa kongreso dahil nabigo itong sumunod sa mga legal requirements tulad ng nominasyon ng isang non-youth representatives tulad ni Ronald Cardema at patuloy na pagrered-tag sa mga progressive groups.

“This ruling is long overdue. Kaisa kami sa panawagan na panagutin ang Duterte Youth sa paglabag sa Saligang Batas at sa karapatang pantao ng mga pinatahimik nila sa panlilinlang at panreredtag,” ani Brosas.

Simula noong pumasok sa Kongreso noong 2019, patuloy ang Duterte Youth sa pagpapabaya umano sa mandato na isaalang-alang ang youth sector. Sa halip aniya, ay nagsilbi umano itong tagapaghatid ng state-sponsored disinformation, red-tagging, at pag-atake sa mga progresibo.

“It’s high time this bogus partylist is held accountable. Sayang ang pondo ng taumbayan sa partidong ang tanging ambag ay ang pagbansag sa mga kritiko ng gobyerno at ang pagtatanggol sa mga lumalabag sa karapatang pantao,” sabi ni Brosas.

Inihayag naman ni Gabriela Women’s Party’s Vice Chairperson Sarah Elago na maging ang Gabriela ay naging target umano ng sistematikong pag-atake at batid ang panganib na manatili sa kapangyarihan ang Duterte Youth.

“A seat for Duterte Youth means a platform for continued red-tagging and repression. Another term for them in Congress is another three years of legitimized harassment against women leaders, youth advocates, and human rights defenders,” ani Elago.

Nanawagan naman ang Gabriela sa agarang pagsasapinal ng kanselasyon ng Duterte Youth at pagkakaroon ng mas malawak na hakbang laban sa mga pekeng partylists.

“We urge the Filipino people, especially the youth, to be vigilant and take action. Let us reject those who use public office to spread lies and endanger lives. Let us amplify the voices of those who truly represent our struggles and aspirations. Congress must be a space for justice, not a breeding ground for repression,” pagtatapos ni Elago. (Vina de Guzman)