Tiwaling kawani ng Manila City Hall, namumuro
- Published on June 20, 2025
- by @peoplesbalita
NAMUMURO na ang mga tiwaling kawani ng Manila City Hall sa ilalim ng pamumuno ni Manila Incoming Mayor Francsico “Isko Moreno” Domagoso.
‘No ifs, no buts, we’ll fine them and we’ll file charges if there is a complaint’.
Ito ang babala ni Domagoso sa muling pagpapatupad ng ‘ One-Strike Policy’ laban sa mga Kotong.
Diin ng incoming mayor, hindi niya kukunsintihin ang katiwalian sa Lungsod ng Maynila dahil ‘One -Strike Policy’ agad sa mga mahuhuling nangongotong.
Agad aniyang tatanggalin sa puwesto ang mahuhuli na gumagawa ng katiwalian at hindi pagbibigyan ang anumang palusot o pakiusap at idinagdag na magsasampa ng kaso kapag may reklamo.
‘We’ll file charges if there is a complaint’, sabi ng incoming mayor.
Ibis sabihin ay hindi kukunsintihin ng incoming mayor ang korapsyon sa ilalim ng kanyang pamumuno at handa siyang magsampa ng kaso laban sa mga mapatunayang may sala.
‘Yung kotongan talaga nung araw “One-Strike Policy” kami. They got fires instantly [at] ganon din ‘yung mangyayari ngayon under our watch”, (Gene Adsuara)