• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 6:24 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, tinitingnan na baligtarin ang ‘learning crisis’ sa loob ng termino ni PBBM

COMMITTED ang Department of Education (DepEd) na paigtingin ang pagsisikap nito na baligtarin ang “learning crisis” sa loob ng termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang pahayag na ito ng DepEd ay matapos na magbabala ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) ng paglaganap ng “learning crisis” sa Pilipinas matapos ang Covid-19 pandemic.

“We can manage it pero kailangan ng kilos. And we have the leadership of the President. He has promised to devote resources to it,” ang sinabi ni Education Secretary Sonny Angara.

Inilarawan ni Angara ang learning crisis bilang kawalan ng kakayahan ng mga estudyante na matuto sa tamang grade level.

Muli namang inulit nito ang naunang panawagan ni Pangulong Marcos na “focus on the basics,” kabilang na rito ang pagbabasa at pagbibilang, para matulungan ang mga mag-aaral na maka-recover mula sa epekto ng pandemya.

Gayundin, binanggit ni Angara ang implementasyon ng summer programs para matulungan ang mga mag-aaral na makahabol.

Samantala, inilunsad naman ng DepEd ang healthcare services para sa kapakinabangan ng mga guro at mag-aaral sa Esteban Abada Elementary School sa Quezon City, sa pakikipagtulungan sa Department of Health (DOH) Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Tinatayang may 500 benepisaryo ang binigyan ng ‘free check-ups, consultations, health advice, at diagnostics services, at medisina, bukod sa iba pa.’

Maliban dito, inalok din ang mga mag-aaral ng free registration sa PhilHealth upang magawa ng mga ito na magkaroon ng access sa Konsulta at iba pang PhilHealth packages.

Sa ilalim ng Konsulta program, ang mga mag-aaral at guro ay magpapatala sa PhilHealth’s National Health Insurance program, kung saan pagkakalooban ang mga ito ng access para sa check-ups, laboratories, at panlaban na health services.” (Daris Jose)