• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 1:41 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gabriela, nagsagawa ng protesta para kondenahin ang patuloy na red-tagging at political persecution sa mga women activists

NAGSAGAWA ng protesta ang Gabriela Women’s Party, kasama ang national alliance GABRIELA at regional leaders mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa harap ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Ito ay upang kondenahin patuloy na red-tagging at political persecution sa mga women activists at progressive leaders lalo na nitong nakalipas na election period.

ibinunyag sa protesta ang sistematikong pag-atake na kinaharap ng Gabriela Women’s Party’s chapters at miyembro nito sa buong bansa.

“Hindi lang ito simpleng paninira—isa itong sistematikong atake para takutin, patahimikin, at pigilan ang mamamayan sa paglahok sa demokratikong proseso. Sa halip na protektahan ang kababaihan, ang gobyerno mismo ang nangunguna sa pananakot. Sa panahon ng halalan, lalong tumindi ang red-tagging laban sa amin—mga poster namin sinira, mga lider namin binantaan. Ginamit ang NTF-ELCAC bilang makinarya ng panunupil,” ani Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas.

Ilang kaso ng harassment, surveillance, at online smear campaigns ang iniulat ng grupo na naranasan sa nakalipas na kampanya hanggang eleksyon.

Ang mga naturang insidente, ayon sa grupo ay ginawa umano ng puwersa ng estado.

“Hindi lang Gabriela ang pinatatahimik nila. Kapag tinatarget nila ang mga aktibista at progresibong lider, tinatarget din nila ang mga ordinaryong mamamayan—mga nanay, magsasaka, manggagawa, kabataan—na lumalaban para sa karapatan,” pahayag naman ni National Vice Chairperson Sarah Elago.

Muling iginiit ng Gabriela Women’s Party ang panawagan nitong pagbuwag sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), dahil sa umano’y pagiging “dangerous and unaccountable entity” nito.

“The NTF-ELCAC is a threat to democracy. It criminalizes dissent and puts lives at risk. It must be abolished,” pahayag pa ni Brosas.

Nanawagan pa ang Gabriela sa publiko na manatiling mapagbantay at magpahayag laban sa lahat ng uri ng political repression.

“Political persecution must be condemned, especially when it endangers the rights of every Filipino. Karapatan ng sektor ng kababaihan na magkaroon tunay na kinatawan, at marapat lang na protektahan ito,” pagtatapos ni Elago. (Vina de Guzman)