• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NPC, nagsagawa ng Blood Letting Activity

NAGSAGAWA  ng Blood Donations ang National Press Club (NPC) katuwang ang Philippine Red Cross (PRC) bilang  bahagi ng pagdiriwang ng “World Blood Day”, kahapon Biyernes, June 13.
May tema itong “Dugo Alay sa Buhay” “Bloodletting Activity” na nilalayon ng blood donation drive sa pagtiyak na may sapat na suplay ng dugo para sa ospital at pasyente lalo na sa mga medical emergencies.
Hindi lamang sa pagsagip ng buhay ang layunin ng nasabing aktibidad kundi upang magkaroon ng kamalayan ang publiko sa kahalagahan ng pag-donate ng dugo at hikayatin ang regular na pagbibigay at mapanatili ang kalidad at kaligtasan ng suplay ng dugo.
Kabilang sa mga nakiisa sa blood donation activity ang mga kawani mula sa Philippine Coast Guard (PCG) , Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Navy (PN), Philippine National Police (PNP), Marines, Metro Manila Development  Authority (MMDA) kasama na rin ang mga nasa hanay ng media.
Noong nakaraang Enero , nakapangolekta na rin ang NPC ng 263 blood bags mula sa 270 donors na nakiisa sa aktibidad .
Ayon naman kay NPC President Boying Abasola, umaasaa silang mas marami o malalagpasan ngayon ang bilang ng nakolektang dugo noong Enero kung saan halos 200 mga kawani ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang nakiisa sa aktibidad. (Gene Adsuara)