• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagpapalaya sa mga may sakit na bilanggong nakatatanda, tutukan ni Tulfo

BIBIGYANG prayoridad ni  incoming Senator Erwin Tulfo ang proposed bill na magpapalaya sa mga may sakit na mga nakatatandang bilanggo.

Ito ang pahayag ni  Tulfo sa kanyang pagbisita sa Minimum Security Compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City kung saan siya nagpahayag ng suporta sa Department of Justice at sa Bureau of Corrections sa pamamagitan ng reporma sa correctional system ng bansa.

Pagtitiyak pa ng incoming senator kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na maghahain siya ng proposed legislation na pag-isahin o pagsamahin na ang penology at correctional system na ngayon ay pinamamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology at ng Bureau of Corrections.

Nais din niyang mapalaki ang budget para sa mga kinakailangang pagpapaunlad ng mga pasilidad, palakasin ang pagsasanay ng mga tauhan at matulungan ang mga bilanggo.

Ayon kay Catapang, napakahalaga ang mga plano o mga pangakong ito sa pagpapalakas sa buhay ng mga persons deprived of liberty na nahaharap sa mga hamon tulad ng overcrowding, kakulangangan sa mga resources o mga pangangailangan at mga lumang imprastraktura o mga pasilidad. (Gene Adsuara)