• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P200 wage hike dapat agad kumilos at aksyunan ng Senado giit ng mambabatas

KAHIT hindi pa napag-uusapan sa LEDAC, malinaw dapat sa sinumang may malasakit sa bayan na ang gutom na nararanasan ng manggagawa ay hindi puwedeng ipagpaliban.
Ito ang reaksyon ni Kamanggagawa Partylist Rep. Eli San Fernando sa naging dahilan ni Senador Chiz Escudero ukol sa panukalang ₱200 Wage Hike na naaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa.
Ayon sa mambabatas, dapat agad kumilos at aksyunan ng senado ang panukala para na rin sa mga manggagawa at hindi dahil teknalidad.
“The Senate President continues the familiar pattern of hiding behind legalese and bureaucracy to not give what is rightfully owed to workers. Sa dami ng drama at palabas sa Senado, bakit pag sahod at karapatan ng manggagawa ang usapan, laging may palusot?” pagtatanong ni Fernando.
Tanong pa ng mambabatas, “para kanino ka ba talaga, Chiz? Para sa ordinaryong Pilipino o para sa mga oligarko? Hindi balagtasan ang kailangan ng mga manggagawa—kundi taas-sahod, seguridad sa trabaho, at hustisya sa paggawa.”
Giit nito na tama na ang palusot at technicality, at agad na ipasa ang ₱200 wage increase. (Vina de Guzman)