• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kulang na lang ang formal na proposal: JULIE, diretsahang sinabi na napag-uusapan na nila ni RAYVER ang kasal 

IBA talaga ang glow na meron ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose.  

More than anything, bukod sa genuine happiness, yung confidence. 

Meron si Julie no’n, kumpiyansa. Dahil mukhang ito ang naibibigay sa kanya ng kanyang 3 years boyfriend na si Rayver Cruz. Kaya kapag sinasabi niyang masaya siya, nagmamanifest talaga. 

Kaya nang kumustahin namin siya, career, lovelife-wise, “Super duper happy. Parang nasa point po ako ng buhay ko ngayon na, stability na lang po talaga. And I’m very happy.  Career-wise, growth-wise, lovelife.”

Natawa ito nang tanungin namin kung hindi ba siya natatakot, kasi kapag parang halos perfect na, parang what’s next kaya?

“Ako, parang hindi ko kasi ina-acknowledge yung kaisipan na gano’n. Kasi, ‘pag may na-feel akong gano’n, maybe there’s something wrong.

“But so far, everything is really good at saka, wala akong ina-anticipate na anything. I’m just enjoying my life at mga nari-receive ko na blessings ngayon.”

Diretso rin na sinabi ni Julie na napag-uusapan daw nila ni Rayver ang tungkol sa kasal.  Although wala pang formal na proposal at hindi pa masasabing engaged na siya, pero napag-uusapan daw nilang talaga.

Nakausap namin si Julie Anne sa Market, Market Activity Center kunsaan, nilunsad siya bilang pinakabagong ambassador ng “Simply G” shampoo and conditioner. Meron din itong soap at lotion.

Ayon kay Julie, “Sobrang happy ako kasi, ‘eto, hiyang po talaga ko rito sa Simply G. For me kasi, palagi akong lumalabas, ‘di ba? Exposed sa sun, exposed sa heat, so importante na may SPF yung lotion. At siyempre sa hair, importante rin na laging maayos.”

At naniniwala rin daw si Julie sa good hair day.

“Oo, feeling ko, ‘pag maganda ang hair ko, ang ganda-ganda ko,” natawang sabi niya.

 

***

 

NAGING special guest ng YouTube podcast na Marites University ang kauna-unahang P-Pop Group na Cloud 7 ng Sparkle  at sa totoo lang, last year pa namin sila naririnig, pero it was only that time na nakita namin sila ng malapitan at seryoso, na-impress kami.

Kung may isang stand-out na katangian ang male group na ito, ang guwapo nilang pito. Iba-iba ang looks, pero pang-star ang dating. 

At nagpo-promote sila ngayon ng kanilang ika-5th single, ang “Bara-Bara.”

Kaya nakita rin namin silang mag-perform. Kung siguro, ihahalintulad sila sa P-pop idol nil ana SB-19, masasabi naming marami pa silang kakaining bigas para makasabay man lang sa husay ng mga ito, pero ang catch sa Cloud 7, sila ang youngest P-Pop sa bansa ngayon.

Mga edad 13-18 lang ang mga miyembro na sina Lukas, Johann, Egypt, Kairo, Migz, PJ, and Fian.  Si Migz ay posibleng pamilyar sa karamihan dahil napasabak na siya sa acting.

Promising ang grupo na ito kaya sana nga ay mapush pa lalo ng Sparkle.

 

(ROSE GARCIA)