• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang nakapansin nang rumampa sa ‘Bench Body of Works’: Pagbubuntis ni LOVI, wala pa ring kumpirmasyon kung totoo

WALA pa ngang kumpirmasyon mula sa kampo ni Lovi Poe kay may mga nagsasabing pitong buwang buntis na raw ang aktres na.
Kaya marami ang nagulat dahil nagawang naitago ni Lovi ang pagbubuntis dahil very visible naman pa rin siya sa mga showbiz affairs.
Kamakailan ay isa si Lovi sa rumampa sa Bench  Body of Works fashion show na wala man lang nakahalatang nagdadalang tao na ang aktres.
Sa totoo lang naman hindi naman malaki si Lovi kaya marahil puwedeng maliit lang talaga siyang magbuntis.
Ayon pa sa malapit kay Lovi ay kasalukuyang tinatapos ng aktres ang shooting  ng pelikulang pino-produce ng film production niyang C’est Lovi.
Ito ‘yung ‘The Sacrifice’ na sinulat ni Jerrold Tarog at dinirek ni Prime Cruz.
Sa Quezon province daw sila nagso-shoot at banggit pa ng kausap naming malapit kay Lovi ay napapansin daw ng ilang production staff na ang saya-saya ng aktres, na kumakanta pa raw at nagsasayaw pa raw si Lovi sa ilog kung saan sila nagso-shoot.
Kahit nga raw may mga problema sa produksiyon, still very happy pa raw ang mood ng aktres, huh!
Pero ayon pa rin sa kausap namin ay wala raw naman silang alam sa tunay na kalagayan bg aktres.
May mga latest post si Lovi, na ang sexy sexy pa rin, at dahil nakaupo siya isang body workout equipment ay hindi kita ang kanyang tummy.
Well, abangan na lang natin dahil kung totoong buntis ay hindi rin naman siguro itatago ni Lovi ang biyayang yun.
(JIMI ESCALA)