• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MTRCB, ire-regulate na ang online streaming platforms: Panukala ni Sen. ROBIN, aprubado sa Senado kaya nagpapasalamat

APRUBADO na ng Senado ang panukalang-batas na nagbibigay sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pagre-regulate sa online streaming platforms.

Ang MTRCB Act o Senate Bill No. 2805 ay sponsored ng actor-public servant na si Sen. Robin Padilla, na naglalayong mas palakasin at mas palawakin ang “mandate” ng ahensiya, inaprubahan sa third and final reading noong Lunes, June 2, 2025.

“MTRCB should be authorized to regulate video content on streaming platforms to maintain the standards of decency and morality expected by Filipinos,” ayon sa inilabas na statement ng Senado.

Sa official statement naman ni Sen. Robin, sinabi nitong kailangan na ring panghimasukan ng MTRCB ang pagre-review at pagre-regulate ng lahat ng online streaming platforms sa bansa.

Ayon pa sa senador, “For paid on-demand streaming services, MTRCB shall require the streaming service to submit a list and classification of all movies, series, and programs offered and order a reclassification after screening, only as necessary.”

Sabi pa ng kampo ng senador at aktor, inaprubahan ng mga mambabatas ang MTRCB Act, “to address issues of obscenity, immorality, and senseless violence in the digital platforms”, kaya malaki ang pasasalamat niya sa kapwa-senador sa pagsuporta sa kanyang panukala.

“Ang tagumpay ng panukalang ito sa mataas na kapulungan ay hindi tagumpay ninuman, kundi ng libo-libong manonood, lalo’t higit ang kabataan, na kailangan nating mabigyan ng proteksyon habang sinisiguro ang malikhaing pagpapahayag sa mundo ng telebisyon at pelikula,” pahayag pa ng senador.

Bukod dito, nakasaad din sa nasabing panukalang-batas na ang chairperson at vice-chairperson ng MTRCB ay mabibigyan ng “rank, salary, rights, privileges, and benefits equivalent to a department undersecretary and department assistant secretary.”

***

Binibini-approved: ‘My Daily Collagen’ napiling wellness partner ng Bb. Pilipinas

KAPAG beauty pageant ang usapan, laging nasa spotlight ang flawless na kutis, grace under pressure at bonggang stage presence. Pero ang hindi alam ng marami, sa likod ng bawat kandidatang lumalaban para sa korona ay matinding training na sumusubok sa katawan at isipan.

Kaya naman sa 36 na kandidata ng Bb. Pilipinas 2025, hindi lang ganda at karisma ang labanan kundi pati health at recovery. At dahil dito, napili ng prestihiyosong pageant ang My Daily Collagen bilang exclusive wellness partner.

Ayon kay Anna Perez, president ng My Daily Collagen, “We’re very happy with this partnership. Second year na namin ito. Hindi naging mahirap mag-yes sa partnership.”

Dagdag pa niya, “Tinanong namin kung bakit kami ang napili, sabi nila, naniniwala sila sa kalidad ng Japan-made products.”

Hindi basta-basta ang tiwalang ‘yan. Ang Binibining Pilipinas, na mahigit 60 years nang institusyon in the world of pageantry, ay kilala hindi lang sa pag-produce ng world-class beauty queens kundi sa mataas na standards. Kaya hindi lang ganda ng produkto ang basehan ng partnership kundi shared values din.

Kwento naman ni Oliver Salas, chief sales officer ng brand, may mga dating Bb. queens na talagang gumagamit na ng My Daily Collagen, at doon nagsimula ang interes ng pageant organizers.

“Bago pa kami i-approach ng Binibining Pilipinas Charities, Inc., sinuri na nila ang produkto. Sobrang honest sila — marami silang tiningnan na collagen brands. Pero naniwala sila dahil sa feedback ng mga dating queens na gumagamit na ng My Daily Collagen,” ani Salas.

Hindi lingid sa publiko na collagen ay nakakatulong sa kutis — at kitang-kita naman sa kinang ng mga Binibini sa coronation night. Pero ang tunay na laban, ayon sa brand, ay sa internal health benefits nito.

“My Daily Collagen doesn’t just help with beauty, it supports your overall health,” pahayag ni Perez, na isa ring registered nurse at nagpapatakbo ng mga skincare clinics.

May beauty effect nga, pero mas malayo pa ang naaabot ng benefits ng produkto.

Ang drink variant ng My Daily Collagen ay may kombinasyon ng high-quality collagen, royal jelly, elastin, hyaluronic acid, ceramide at essential vitamins. Meron ding Pico Tablet variant na may ultra-small collagen molecules para mas mabilis ma-absorb ng katawan.

Whether iniinom nang sabay o hiwalay, tumutulong ang mga produkto para malabanan ang stress at pagod — mapa-stage man o araw-araw na hustle.

“Pinapalakas nito ang immune system, maganda para sa puso, sa wound healing at may natural sun protection din. May mga pag-aaral pa na nagsasabing nakakatulong ito sa brain health, like in preventing Alzheimer’s,” dagdag ni Perez. “Pero dapat consistent ang paggamit para maramdaman talaga ang effect.”

At consistency ang No. 1 sa life ng mga pageant candidates.

“Mahigpit ang training. Iba ang pressure. Hindi biro sumali sa pageant,” ani Perez.

Malaking tulong daw ang produkto para maka-recover ang mga kandidata sa physical at mental stress. Happy sila kasi voluntary ang mga testimonial na natanggap nila.

“Hindi lang sila nagsabing gumanda sila. Sinabi rin nilang mas magaan ang pakiramdam nila. Mas energized sila,” kuwento ni Perez.

Galing sa sports world ang brand — sinusuportahan nito ang Premier Volleyball League at ito rin ay organizer ng multi-sport events, kabilang na ang five-year-old na My Daily Collagen Triathlon. Pero ngayon, pinasok na rin nila ang mundo ng pageantry para i-promote ang holistic beauty.

“Gusto naming i-highlight ang balance,” ani Perez. “Beauty and health go hand in hand.”

At base sa resulta, mukhang mission accomplished. “‘Pagdating ng coronation night, ibang-iba ang glow ng girls,” ani Perez.

Para kay Salas, proud sila sa renewed partnership. “I think kami ang first brand na ni-renew ng Bb. Pilipinas. And exclusive pa rin kami — Bb. Pilipinas lang ang sinusuportahan namin.”

At hindi lang sa finals nagtatapos ang suporta.

“Our support doesn’t stop on coronation night,” dagdag ni Salas. “Kasama pa rin kami ng queens habang nirerepresent nila ang Pilipinas sa international stage.”

Available ang My Daily Collagen sa mga leading drugstores and supermarkets — Watsons, Mercury, Landers, Shopwise, The Market Place, Rose Pharmacy, HB1 and Mitsukoshi Mall. (ROHN ROMULO)