• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kung pagbabasehan ang kanilang viral photo: BEA, hindi na maitatago ang relasyon nila ni VINCENT

SPOTTED nga sina Bea Alonzo at Puregold President Vincent Co sa isang birthday party.
Lumabas ito Instagram Story ng fashion icon na si Heart Evangelista-Escudero.
Nag-groupie kasi ang magkakaibigan kabilang nga sina Bea at Vincent na katabi nito si Senator Chiz Escudero. Mapapansin na tinag ni Heart ang mga nasa larawan maliban sa president ng chain of supermarkets.
Sa mga pribadong pagtitipon tulad nito ay malaya ngang nakakikilos sina Bea at Vincent na ayon sa closeness nila ay parang alam na rin kung ano ang kasalukuyang estado ng relasyon nila.
Anyway, ang dinaluhang birthday party pala ng magkakaibigan ay ang handler na si Nina Ferrer ng Star Magic na dating handler ni Bea noong hindi pa siya lumilipat ng GMA 7.
Nag-post si Nina ng larawang magkasama sila nina Bea at Vincent at kapansin-pansin na nakahilig sa kaliwang balikat ang aktres sa binata at naka-akbay pa kaya kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ito rin ang napansin sa larawang pinost ni Heart na si Vincent naman ang nakayakap kay Bea na hinawakan ng aktres na hindi lang gaanong napansin dahil natakpan ng isa nilang kaibigan.
Kung dati ay pahulaan pa ang netizens ng real score nina Bea at Vincent ngayon ay hindi na dahil kitang-kita na sa dalawang larawang pinost nina Heart at Nina.
Iisa na lang ang tanong ng madlang pipol, kailan aamin sina Bea at Vincent na opisyal na silang magkarelasyon.
“Kailangan pa ba?  Hindi pa ba sapat ang pictures?” say ng taong malapit sa dalawa.
Wala naman kaming nabasang negative comments sa viral photos na lumabas na magkasama sina Bea at Vincent dahil sa totoo lang, bagay na bagay naman sila at sanay matuloy na sa kasalan.
Tiyak na kaabang-abang kanilang engagement.

(REGGEE BONOAN)