Kaso ni Teves, pinag-aaralan ng Prosecutor General
- Published on June 4, 2025
- by @peoplesbalita
PINAG-AARALAN ng Prosecutor General kung magsusumite sila ng manifestation sa mga korte kung saan may mga kaso si dating Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr., ayon sa Department of Justice (DOJ) .Ayon kay Justice Spokepsperson Assstant Secertary Mico Clavano, ito ay upang hilingin na pag-isahin ang mga kaso o payagan na lamang ang video conferencing.
Prayoridad aniya ang seguridad ni Teves pero nakadepende pa rin sa mga prosecutor kung papayagan ang consolidation ng mga kaso para madala ang mga ito sa Maynila.
Bukod sa Manila at Quezon City Regional Trial Court, may kaso rin si Teves sa Bayawan City, Negros Oriental.
Mananatili muna ang dating kongresista sa NBI Detencion center sa New Bilibid Prison Compound sa Muntinlupa City kung saan wala pang ibinibigay na petsa ang korte para sa arraignment ng mambabatas. (Gene Adsuara)