National wage coalition magmamartsa sa Kamara sa upang igiit ang pagsasabatas ng ₱200 dagdag sahod
- Published on June 2, 2025
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG magmartsa ang National wage coalition sa Kamara ngayong Lunes (Hunyo 2) upang igiit ang pagsasabatas ng ₱200 dagdag sahod.Ang National Wage Coalition ay binunuo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Kilusang Mayo Uno (KMU), Nagkaisa! Labor Coalition (NAGKAISA!), at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).
Ito ay kasabay na rin sa pagbabalik sesyon ng ika-19 Kongreso bago pumasok ang bagong mga halal na mambabatas na bubuo ng ika-20 Kongreso.
Sa natitirang ilang araw na sesyon, umaasa pa rin ang mga manggagawa na maipapasa sa Kamara ang panukalang wage increase.
Dakong alas-9 ng umaga magpupulong ang mga miyembro ng National Wage Coalition (NWC) sa may Batasan Hills National High School at magmamartsa dakong alas-10 ng umaga at magsasagawa ng programa sa harapan ng South Gate ng Kamara.
(Vina de Guzman)