Tiangco, pinuri ang pagpapalawak ng P20 rice program
- Published on May 31, 2025
- by @peoplesbalita

“We thank the Department of Agriculture for its commitment to innovating and finding ways to make President Marcos’ ₱20 rice goal a reality for more Filipinos,” ani Tiangco.
“This is a strong signal that the government is taking real steps to address food security and combat hunger.”
Napansin ni Tiangco ang tuluy tuluy-tuloy na pagpapalawak ng abot-kayang rice program kasunod ng pilot launch nito sa Visayas at available na rin sa ilang tindahan ng KADIWA sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Mindoro, at Rizal.
“Through this initiative, we aim to ease the financial burden on Filipino families while ensuring our farmers are justly compensated for their produce. Hindi lang ang mga kansyumer kundi pati ang ating mga magsasaka ang nakikinabang sa programang ito,” dagdag niya.
Sa kasalukuyan, ang ₱20-per-kilong bigas ay para muna sa mga mahihinang sektor, kabilang ang mga pamilyang mababa ang kita, senior citizens, solo parents, at mga taong may kapansanan.
Inihayag din ni Tiangco na ang pilot partnership sa pagitan ng DA at Department of Labor and Employment (DOLE) ay magbibigay daan para sa pagpapalawak ng programa upang maisama ang mga minimum wage earners.
“Natupad na ng pangulo ang kanyang pangakong ₱20 kada kilong bigas. Sa tulong at pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan, patuloy po nating palalawakin ang programang ito upang maisakatuparan ang layunin ng administrasyon na mabigyan ng akses ang mas nakararami,” aniya. (Richard Mesa)