• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:56 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

27 sa 28 panukalang batas sa ilalim ng Common Legislative Agenda (CLA), inihayag ni Speaker Romualdez

INIHAYAG ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagkaka-apruba ng 27 sa 28 panukalang batas sa ilalim ng Common Legislative Agenda (CLA) sa isinagawang 8th meeting ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

“As of today (Thursday), we have acted on 27 out of the 28 LEDAC priority bills—a near-100% accomplishment rate,” ulat ni Speaker Romualdez kay Presidente Bongbong Marcos.

Dumalo rin sa Ledac meeting sina Senate President Francis “Chiz” Escudero, miyembro ng gabinete at pangunahing lider ng Kongreso sa pangunguna ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe.

“This milestone reflects the House’s unwavering commitment to President Marcos’ call for legislative action that makes a difference in the lives of ordinary Filipinos. These are not just bills—they are real solutions to real problems,” ani Speaker Romualdez.

Sa status report, ipinapakita na sa 12 bills na nilagdaan ni Presidente Marcos ay mula sa 27 LEDAC na panukala. Kabilang na dito ang New Government Procurement Reform Act, Anti-Financial Account Scamming Act, Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, VAT on Digital Transactions, Academic Recovery and Accessible Learning Program Act, Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act, Philippine Maritime Zones Act, Philippine Archipelagic Sea Lanes Act, CREATE More, Enterprise-Based Education and Training Framework Act, at amendments sa Agricultural Tariffication Act.

Ang panukalang mag-aamyenda sa EPIRA ay naging batas noong Abril 18 habang ang panukalang Capital Markets Promotion Act ay ipinadala nasa Office of the President noong Abril 29.

Sa 28 LEDAC bills, tanging ang panukalang amendments sa Agrarian Reform Law ang nananatiling nakabinbin sa Kamara. (Vina de Guzman)