DUMLAO, nasa bansa pa rin
- Published on May 28, 2025
- by @peoplesbalita

Ang pahayag ni Sandoval ay tugon sa tanong kung ano na ang status ng dating pulis na itinuturong utak sa pagdukot at pagpatay sa Korean businessman na si Jee Ick-joo.
Sinabi ni Sandoval na nasa proseso pa ng pagsasailalim sa hold departure order (HDO) si Dumlao at hindi pa rin nakakalabas ng bansa.
Bukod dito, isinailalim na ng BI si Dumlao sa immigration lookout bulletin order (Ilbo) upang malaman o mamonitor kung tatangkain nitong umalis ng Pilipinas.
Aniya, sakaling maka-salamuha ng kanilang tauhan parikular ng mga immigration officers si Dumlao, agad nila itong ipagbibigay alam sa kinauukulan.
Pero hindi magiging sapat ang immigration lookout bulletin order laban sa dating pulis kung saan karapatan pa din nito na makapagbiyahe at tanging ang hold departure order mula sa Korte ang paraan upang hindi na makalabas pa ng bansa.(Gene Adsuara)