• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 2:01 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Traffic mitigation ­measures para maibsan ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko… Odd/Even Scheme ipatutupad ng MMDA sa EDSA

NAKATAKDANG ipatupad ng Metropolitan Manila Development ­Authority (MMDA) ang traffic mitigation ­measures para maibsan ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko sa muling pagsasaayos ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) na isasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa press briefing sa MMDA Communications and Command Center nitong Lunes kaugnay sa “EDSA Rebuild”, sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes na inatasan sila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad ng mga mitigating ­measures upang maiwasan ang “carmageddon” sa panahon ng EDSA rebuild project.
Sa ilalim ng odd-even scheme, ang mgasasak­yang may plaka na nagtatapos sa odd ­number (1,3,5,7,9) ay hindi pinapayagang gumamit ng EDSA tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes. Samantala, ang mga sasakyang may plaka na nagtatapos sa even na numero (2,4,6,8,0) ay ipinagbabawal na dumaan sa EDSA tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.
“With the enforcement of the odd-even scheme, we are expecting a 40% reduction of vehicles along EDSA,” ani Artes na nilinaw ding ipatutupad pa rin ang number coding scheme sa ibang mga lansangan sa Metro Manila.
Bawal sa Edsa ang mga provincial bus at truck na may perishable goods, mga garbage truck, at mga aviation fuel delivery truck. Sila ay papayagang tumawid sa EDSA mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga. Tatanggalin na rin sa EDSA ang mga bike lane separator.
Ipapatupad naman ng DOTr ang pagda­ragdagang mga unit sa EDSA Bus Carousel system para hikayatin ang mas maraming tao na sumakay ng mga public utility bus; pagdaragdag ng mga tren sa MRT 3; at pagkatanggal ng mga toll fee sa ilang mga seksyon ng Skyway Stage 3, sa pakikipag-ugnayan sa Toll Regulatory Board at San Miguel Corporation. ( Daris Jose)