• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 6:09 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Madaliin ang adopsyon ng SCS Code of Conduct para mapigilan ang maling kalkulasyon sa karagatan

BINIGYANG DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Lunes ang pangangailangan na madaliin ang adopsyon ng Code of Conduct on the South China Sea para mapigilan maling kalkulasyon sa karagatan.
”We underscore the urgent need to accelerate the adoption of a legally binding Code of Conduct in the South China Sea,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging interbensyon sa ASEAN plenary.
Ito aniya ay upang pangalagaan ang maritime rights, i-promote ang katatagan at mapigilan ang maling kalkulasyon sa karagatan.
Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito ang pangangailangan na ipagpatuloy ang ‘engaging partners’ hindi lamang para palawigin ang networks, kundi para panindigan at i-project ang ASEAN values, gaya ng ‘kapayapaan, inclusivity, at shared progress.’
Winika pa ng Pangulo na ang estratehiya ng Pilipinas ay makatutulong upang ipaliwanag ang daan tungo sa mas malalim na katatagan at seguridad.
Ipagpapatuloy din ng bansa ang pagsisikap nito na tiyakin na ang regional bloc ay magiging ligtas, mapayapa, matatag at pinamamahalaan ng batas.
”Yet these objectives can only be realized by working together with our partners as we collectively navigate a constantly shifting global architecture. Sustainable growth requires that we invest in our people,” ang sinabi nito.
Kung matatandaan, sinang-ayunan ng member states ng regional bloc at Tsina na kompletuhin ang Code of Conduct on the South China Sea sa susunod na taon sa kabila ng mga pinagtatalunang isyu na nagsilbing hadlang para matuloy ang paglikha nito, ang naunang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas. ( Daris Jose)