• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 5:43 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM isusulong na bilisan ang negosasyon sa Code of Conduct sa West Philippine Sea… 46th ASEAN Summit pormal ng nagbukas

PORMAL ng nagbukas araw ng Lunes, May 26 ang 46th ASEAN Summit 2025 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Eksaktong alas-8:30 ng umaga kanina nang magsimulang magsidatingan ang mga leaders mula sa Southeast Asian Nations.
Isa-isa silang sinalubong ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim sa ginanap na welcome ceremony na sinundan ng pagsisimula ng Plenary session kung saan dito ilalatag ang mga agenda na kanilang tatalakayin.
Kabilang sa mga tatalakayin ng ASEAN leaders ang mga regional at global challenges, kabilang ang developments sa South China Sea, sitwasyon sa Myanmar, maritime security, climate change, pabago-bagong takbo ng ekonomiya at digital disruption.
Unang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kanyang isusulong na bilisan ang negosasyon sa Code of Conduct sa West Philippine Sea, South China Sea at ang ethical at responsible Artificial Intelligence (AI) regional framework. (Daris Jose)