• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 2:38 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 inaresto sa demolisyon sa Tondo, Maynila 

INARESTO ang tatlo katao sa nagaganap na demolisyon sa Barangay 262 at 264 sa Mayhaligue Street, Tondo,Maynila .
Bahagya namang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga demolition team at mga residente na ayaw pa ring lisanin ang kanilang mga tirahan.
Paliwanag ni Sheriff Raymundo Rojas ng Metropolitan Trial Court, pinaiiral nila ang humanitarian consideration dahil sa masamang panahon lalo na’t nahihirapang makahanap ng matutuluyan ang mga residente.
Paliwanag ng sheriff na sa ilalim ng batas ay dapat itigil ang demolisyon kapag umuulan kaya naman pansamantala itong itinigil.
Sa kabila nito, desidido ang demolition team na ipatupad ang kautusan ng korte.
Bantay sarado naman ng mga residente ang mga lagusan upang hindi makapasok ang mg demolition team at mga pulis na nakabantay din sa dalawang barangay.
Ayon kay Rojas, tanging Temporary Restraining Order o TRO lamang mula sa korte ang maaaring makakapagpigil sa demolisyon na ilang taon na ring hindi naipapatupad.
Giit naman ng mga residente, gusto nilang makita ang kautusan o dokumento mula sa korte at magkukusang aalis pero mabigyan sana sila ng disenteng malilipatan.
(Gene Adsuara)