• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 12:38 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DQ KONTRA TULFO, IBINASURA

IBINASURA  ng Commission on Elections (Comelec) ang petition for disqualification laban kay Senator-elect Erwin Tulfo sa May 2025 midterm elections.
Sa 25 pahinang desisyon , sinabi ng Second Division na ang disqualification case na inihain ni Toto Cauing at Graft Free Philippines Foundation INc. (GFPFI) laban kay Tulfo ay ibinasura dahi sa kabiguang  petitioner na sumunod sa ilang mga requirements.
“The Petition is DISMISSED”, saad sa desisyon.
Ang certificate of candidacy (COC) na isinumite ng petitioners ay walang affidavit of authentication. Wala ring sertipika ng sekretarya.
Nanawagan ang grupo ni Causing na madiskwalipika si Tulfo sa 2025 senatorila race dahil nahatulan sa krimen na kinasasangkutan ng moral turpitude at hindi pagigigng mamamayang Pilipino.
Binanggit din ng petitioner ang umano’y paglabag sa Section 26 ng Article II ng 1987 Constitution sa pantay na pag-access sa mga pagkakataon sa serbisyo publiko, mga probisyon ng political dynasty at nepostimo.(Gene Adsuara)