• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 6:34 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong 10k non-teaching posts, magpapagaan sa ‘workloads’ ng mga guro – DBM

INAPRUBAHAN ng Department of Budget and Management (DBM) ang 10,000 bagong non-teaching positions sa iba’t ibang lugar sa bansa para pagaanin ang ‘administrative workload’ ng mga public school teachers.
Layon din na pahintulutan ang mga buro na higit na tutukan ang dekalidad na pagtuturo.
Sa isang kalatas, sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na tinupad lamang ng inisyatiba ang campaign promise ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na suportahan ang mga guro at bawasan ang kanilang mga pasanin sa pangangasiwa.
Ang pagbuong ito ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Marcos na lumikha ng 16,000 karagdagang teaching posts para sa School Year 2025–2026, bahagi ng nagpapatuloy na pagsisikap ng pamahalaan na palakasin ang sektor ng edukasyon.
Ang mga bagong posisyon ay ika-klasipika bilang Administrative Officer II na may Salary Grade 11 at ide-deploy sa ‘elementary, junior high, at senior high schools sa lahat ng rehiyon sa buong bansa.
“Actually, this is a campaign promise fulfilled by our beloved President. Noong una pa lang po, pinangako na ni Pangulong Bongbong Marcos na bibigyan niya ng kinakailangang suporta ang ating mga guro para padaliin ang kanilang mga trabaho,” ayon kay Pangandaman.
Winika pa nito na nais ni Pangulong Marcos na makapag- concentrate ang mga guro sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon sa halip na buhusan ng mga gawaing klerikal.
“Gusto n’ya na makapag-focus sila sa pagbibigay ng dekalidad na pagtuturo. Kaya nga po dinadagdagan natin ‘yung mga non-teaching personnel para bawasan ‘yung load ng trabaho sa kanila — na malaking tulong para sa kanilang mental health at overall well being,” dagdag na wika nito.
Samantala, inatasan naman ang regional offices ng DBM na magpalabas ng kaakibat na Notice of Organization, Staffing, and Compensation Action directly sa Schools Division Offices ng DepEd base sa deployment report. ( Daris Jose)