Harry Roque, hindi maaaring aestuhin ng interpol
- Published on May 22, 2025
- by @peoplesbalita
HINDI maaaring arestuhin ng interpol si dating Presidential spokesperson Atty.Harry Roque na nanatili ngayon sa The Netherlands , ayon sa Department of Justice (DOJ).
Si Roque ay lumipad sa naturang bansa matapos siyang maisyuhan ng warrant of arrest ng Angeles, Pampanga Regional Trial Court, branch 118 para sa kasong qualified human trafficking, dahil sa operasyon ng POGO o scam hub sa Porac, Pampanga.
Paliwanag ni DoJ Chief State Counsel, Dennis Arvin Chan, hindi maaaring arestuhin duon si Atty.Roque habang may nakabinbin itong Petition for Asylum o hanggang hindi pa iyon naresolba.
Kung patuloy naman na magtatago si Roque, sinabi ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano na ilalagay muna ng hukuman sa archive ang warrant pero buhay pa rin ang kaso
At kung hindi magsusumite ng counter affidavit si Roque sa Pilipinas ay iri-resolve ng mga prosecutors ang kaso at ibabatay ito sa nakahaing reklamo. (Gene Adsuara)