• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 2:23 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Agarang government action bilang tugon sa partial closure ng San Juanico,  tinututukan

NAGMOBILISA na ang TINGOG Party-list, sa pakikipag -koordinasyon ng  Office of House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng agarang government action bilang tugon sa partial closure  San Juanico Bridge, na nag-uugnay sa isla Leyte at Samar.
Noong  May 17, 2025, nagkaroon ng  multi-agency consultative meeting na pinamunuan ng TINGOG at Office of the House Speaker, kabilang na ang mahigit sa 30 national government tulad ng   DPWH, MARINA, PPA, LTFRB, DSWD, DEPDev, OCD, at iba pang tanggapan ng gobyerno.
Sa ginanap na pagpupulong, ilang usapin ang natalakay para masiguro ang  public safety, mabawasan ang epekto sa commuters at businesses, at agad maibalik ang pagdaan at biyahe sa naturang lugar.
Kabilang na rito ang collaboration ng DPWH at MARINA upang matukoy at mapreparea ang alternative transport routes at ports. Kasama dito ang Amandayehan Port sa Basey, Samar, na inihahanda para sa Ro-Ro operations.
Mga permits para sa karagdagang  Sta. Clara Shipping vessels na naaprubahan.
Koordinasyon sa PPA at MARINA para sa  docking arrangements at  alternative maritime routes.
Sa koordinasyon sa DPWH, inilunsad ng TINGOG ang 24-hour free ride service sa apektadong pasahero at commuters
Pagkakaroon ng pansamantalng passenger terminals at assistance centers sa magkabilang dulo ng  San Juanico Bridge, na mabibigay ng  basic services at emergency support, sa tulong ng  DSWD, OCD, AFP, PNP, DICT, at local CSWDOs. (Vina de Guzman)