Madali naman itong natanggap ng asawa: JESSY, tila nauna nang nag-concede sa pagkatalo ni LUIS
- Published on May 15, 2025
- by @peoplesbalita
LOTLOT or lost o talunan si Luis Manzano sa kung tama ang pagkakatanda namin, first time niyang tumakbo.While win ang kanyang ina na si Vilma Santos-Recto at kapatid na si Ryan Recto sa Batangas City.
Mukha naman madaling natanggap ni Luis ang pagkatalo niya nang makita naming ni-repost niya ang naging post ng kanyang misis na si Jessy Mendiola. Ni-repost niya ito with a caption of, “Love you” at kasunod ang mga kiss emojis.
Tila nauna na ngang nag-concede si Jessy na natalo nga si Luis sa laban niya. Pero inspiring naman at ramdam ang buong suporta at pagmamahal niya sa kanyang mister.
Ayon kay Jessy, “One of the greatest gifts is knowing that God’s plans are always more beautiful than your disappointments. HE will sustain you during your hardest battles and save you from harm’s way because only HE knows what is meant for you.
I’m still so so proud of you, Lucky Manzano. I love you, Lucky.”
Hindi man nanalo, sigurado rin naman na may babalikan pa si Luis bilang host o game show host.
***
SA haba nang naging pagsa-sagala ni Ashley Ortega sa isang lugar sa Bataan, siguro naman, marami rito ang nakangiti siya o masayang nag-e-entertain ng mga tao.
Pero mukhang ang napiling i-post talaga ng netizen ay yung halos hindi na niya makuhang mag-smile sa maaaring pagod at kapansin-pansin din na mabigat ang dala niyang malaking krus.
Lakad talaga ang paraan ng pagsa-sagala sa halos lahat ng lugar sa Bataan. Gusto naming isipin na aware si Ashley rito nang tanggapin niya. At hindi rin konti ang lalakaran, talagang iikutan ang buong barangay.
Eh, sobrang init pa ng panahon. Kaya hindi na rin kami nagulat kung halos hindi na nito makuhang ngumiti. Hindi na rin niya nagagawang bitbitin ang malaking krus ng maayos.
Pero dahil yun nga ang na-post, may mga tumutuligsa rito na kesyo hindi friendly, nakasimangot at iba pa. Pero kapansin-pansin din naman na marami rin ang nagdedepensa sa kanya.
Walang escort si Ashley bilang Reyna Elena. Kung siguro ay kasama nito ang boyfriend na si Mavy Legaspi, baka all smile ito the whole time na nagsa-sagala.
(ROSE GARCIA)