• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 25, 2025
    Current time: October 25, 2025 2:15 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magkasundo sa maraming bagay at sabay pa ang birthday: SUE, ‘di itinatanggi na si DOMINIC ang nagpapasaya sa kanya

KITANG-KITA talaga sa aura ni Sue Ramirez na masaya siya ngayon.
Bakit siya masaya, ano o sino ang nakakapagpasaya sa kanya?
“Well, ang kalma ng life.
“Kakagaling lang sa bakasyon. Wala, I don’t feel pressured, ahhm… masaya lang ako talaga.
”Well of course si Dom has been making me happy, has been taking care of me,” pagtukoy niya kay Dominic Roque.
Aminado naman ang aktres na napapasaya siya ng aktor.
“Sine-share niya yung interests niya with me, he also asks me what I want to do, kung ano yung mga interest ko and so far nagdyi-jell talaga yung mga interests namin.
“Hindi ko alam kung dahil sabay kami ng birthday, charot.
“Actually sabay kami ng birthday! July 20. Kaya siguro nagdyi-jell kami ng mga interests.”
Pero wala pa raw silang plano sa sabay nilang kaarawan.
Natanong din si Sue kung ang nag-viral na kissing photo nila ni Dominic sa Siargao noong Nobyembre 2024 ang simula ng kanilang pagkakamabutihan?
“Hindi pa, hindi pa,” ang natatawang sagot niya.
“Well nag-uusap-usap na po kami ng time na iyon.
“But like iyon nga, sabi ko, when I drink, I get too excited, e ang pogi, kiniss ko!
“Hindi, well… nag-uusap na po kami nun, medyo papunta na kami sa nagkakamabutihan na po kami, nagliligawan.”
Dagdag kuwento pa niya sa naturang trip
“It was actually my trip, ‘coz I did a lot of films last year so I wanted to take a break, so talagang nakaplano yung one month ko sa Siargao.
“And since nag-uusap na kami nun ni Dominic he asked me kung, ‘Is it okay if I follow to Siargao. I want to get to know you more.’”
Samantala, nagbalik-tambalan ang matalik na magkaibigan sina Sue at Diego Loyzaga sa “In Between”, na mula sa direksyon ni Gino M. Santos.
Taong 2022 una silang nagkapareha sa pelikulang “How to Love Mr. Heartless” kung saan mga estudyante ang kanilang papel.
Ngayon, mas mature na ang kanilang mga karakter, at nagkaroon pa ng intimate scenes.
 
(ROMMEL L. GONZALES)